Maynila: Sa mga kuko ng liwanag.
By: Kirsten Chealsey Briones, Tiffany Kealsey Briones, Jodilyn Yuzon, At Andrea Karylle Sakhrani.
A. Maynila sa mga kuko ng liwanag.
Malayong malayo ang inaakala nating buhay noon. Akala natin sobrang simple at madali, ngunit lingid sa ating kaalaman may mas malalim pa palang istoryang naganap sa likod ng marangyang buhay na ating mga napapanood sa telebisyon. Hindi natin namamalayan na marami na palang naghihirap, nabibiktima ng karahasan at di makatarungang sistema ng lipunan.
Sa pelikulang Maynila: Sa mga kuko ng liwanag, ipinakita nila Edgardo Reyes ang tunay na pinagdadaanan ng mga hindi nakapagtapos sa pag aaral at dumaranas ng kahirapan na pinipilit ayusin ang buhay. Marami ang nag-babakasakali na uunlad ang kanilang buhay dito sa Maynila, ngunit sa pelikula, nakita natin na hindi pala ganoon kadali lalo na’t pag may kagipitan sa pera.
B. May-Akda: Edgardo Reyes
Ang nobelang Tagalog ni Edgardo M. Reyes na Sa mga Kuko ng Liwanag ay inangkop sa pelikula ng kilalang direktor ng Pilipinas na si Lino Brocka sa ilalim ng titulong Maynila, Sa mga Kuko ng Liwanag (Manila: In the Claws of Light). Ito ay nai-spotlight muli sa Walter Read Theatre ng Lincoln Center mula Hulyo 31 hanggang 20 Agosto 1999. Kasama ito sa nasabing pagdiriwang ng pelikula upang ipagdiwang ang ika-100 taon ng Kalayaan ng Pilipinas na inayos ng Film Society of Lincoln Center, sa pakikipagsosyo kasama ang Philippine Centennial Commission, ang Cultural Center of the Philippines, IFFCOM, ang Philippine Information Agency, ang Consulate General ng Pilipinas sa New York at ang Philippine Centennial Coordinating Council - Northeast USA. Ang bersyon ng libro ay muling nai-publish sa Pilipinas ng De La Salle University Press noong 1986.
C. Teoryang Pampanitikan:
Markismo- Naipakita ang teoryang Markismo sa pelikula sa pamamagitan ng mga sakripisiyong kinaharap ng ibang babaeng tauhan. Halimbawa na lamang ang nagawa nilang ibenta ang kanilang aliw para kumita ng pera pangtustos sa pangaraw-araw na pangangailangan.
Eksistensyalismo- Naipakita ang teoryang Eksistensyalismo sa pelikula dahil napatunayan ng mga pangunahing tauhan na iisa lang ang kani-kanilang gusto, na maiahon ang sarili at ang kanilang pamilya sa hirap. Kaya sa kahit anong paraan, kahit gaano kahirap, kahit anong pagod, handa nilang tiisin para lang mabuhay ng maayos.
-Naipakita din ang teoryang Eksistensyalismo sa pelikula, dahil nakita din natin sa mga gumanap na kahit anong pagsubok o tukso na lumapit, ang iba sa kanila ay inilalayo ang sarili at ginagawa padin ang tama.
D. Pagtalakay:
Tauhan:
Julio Madiaga — Rafael Roco Jr. > Siya ay isang mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya.
Ligaya Paraiso — Hilda Koronel > Kasintahan ni Julio na lumuwas sa Maynila dahil pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng ilegal na gawain.
Atong — Lou Salvador Jr. > Siya ang mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang construction site .
Omeng — Joonee Gamboa > Isa sa mga kaibigan ni Julio sa La Madrid Building.
Perla — Lily Gamboa > Kapatid ni Atong na kaibigan ni Julio.
Ah Tek — Tommy Yap > Siya ay isang Intsik na bumili kay Ligaya at nagkagusto siya dito kaya pinakasalan niya.
Mrs. Cruz — Justing Bagabaldo > Naghahanap ng magagandang babae para bigyan ng trabaho sa Maynila.
Call Boys — Jerry O’hara at Bobby Roldan
Tagpuan:
-Maynila
-Marinduque
-La Madrid Building
-Chua Tek Trading Company
-Misericordia
Banghay:
- Isa sa di makakalimutan na pangyayaring naganap sa pelikula, ay nang pinatay ni Julio si Ah Tek.
E. Isyung Panlipunang Tinalakay:
Kahirapan- Ito ang isa sa Isyung Panlipunang Tinalakay dahil, lahat ng tauhan ay dumanas ng kahirapan at sumabok sa iba’t ibang paraan para maipaginhawa ang kani-kanilang buhay.
Kawalan ng Katarungan- Isa pa itong Isyung Panlipunan dahil ang pagkamatay nina Ligaya at Atong ay di nabigyan ng hustisya dahil sa mga impluwensya ng mga taong angat sa pamumuhay.